Monday, January 11, 2010
Argh! Ang Pantog namin! It's Gonna Blow!
Baket Lageng Sarado ang CR ng I.T? ,,,Ito ang bagong kababalaghan sa aming kolehiyo... Noong una sabi nila me naglilinis daw na WhiteLady pero ayon sa imbestigasyon ng ilang estudyanteng Adik ginawa daw itong hideout ng mga alien na planong sakupin ang Earth. At tulad ng dati 'No Comment' pa din ang Admin tungkol dito. Nangangamoy conspiracy! Hindi kaya mga alien lahat ng staff ng kolehiyo? Saan kami iihi? At bakit walang tissue sa C.R? Sino ang dapat sisihin at gawing pader na ihian?...
Monday, December 14, 2009
Kwentong Eskewela
3 years old ako ng isama ako ng tita kong teacher sa eskwelahan at dahil bata playground ang unang tingin ko sa paaralan.
5 years old ako ng unang maging opisyal na estudyante, bilang isang kinder isang masayang lugar ang eskwelahan. Isa itong silid kung saan puro kantahan,kainan at sayawan.
Pagtungtong ko sa Baitang 1 sa gulang na 7 taon dito ko naranasang umiyak dahil sa pagbasa, dito sinabi ng aking guro na hindi makakapasa ang isang estudyanteng di kayang bumasa ng Abakada, kaya mula noon naging hilig ko nang magbasa ng kahit anong babasahin.Ngayon ko naisip na di naman pala ganon kahirap magbasa minsan hindi pa nga ako nakakatulog ng di nagbabasa ng libro.
Sa Grade 3 ko naman napahusay ang kakayahan kong magsulat ng kwento, Ang Adventures ni Pong Pagong ang una kong kwento.sa grade ding ito una kong naranasang magsolve ng math problem sa blackboard at tumula sa harap ng madaming tao noong Linggo ng Wika.

Sunday, December 13, 2009
Kablogblogan Artikulo 1
Kablogblogan:Ang Simula! Oh yeah,Rakrakan na!
Makaraang pag-isipan ng matagal ang pangalan ng aking magiging blog, Inihahandog ko sa inyo ngayon ang Kablogbloghan isang lugar kung saan mababasa ang aking mga artikulong hindi na-publish sa aming dyaryong pangkolehiyo at makikita ang ilan sa aking mga artworks na may pagkatwisted ang tema. Hindi ito pang Pulitzer na mga sulatin kundi ilang basura ng aking utak na ni-recycle upang mapakinabangan ng sangkatauhan at para may masabing naisulat ako sa aking blog.

Subscribe to:
Posts (Atom)