3 years old ako ng isama ako ng tita kong teacher sa eskwelahan at dahil bata playground ang unang tingin ko sa paaralan.
5 years old ako ng unang maging opisyal na estudyante, bilang isang kinder isang masayang lugar ang eskwelahan. Isa itong silid kung saan puro kantahan,kainan at sayawan.
Pagtungtong ko sa Baitang 1 sa gulang na 7 taon dito ko naranasang umiyak dahil sa pagbasa, dito sinabi ng aking guro na hindi makakapasa ang isang estudyanteng di kayang bumasa ng Abakada, kaya mula noon naging hilig ko nang magbasa ng kahit anong babasahin.Ngayon ko naisip na di naman pala ganon kahirap magbasa minsan hindi pa nga ako nakakatulog ng di nagbabasa ng libro.
Sa Grade 3 ko naman napahusay ang kakayahan kong magsulat ng kwento, Ang Adventures ni Pong Pagong ang una kong kwento.sa grade ding ito una kong naranasang magsolve ng math problem sa blackboard at tumula sa harap ng madaming tao noong Linggo ng Wika.
Monday, December 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakakatuwa naman! sana masundan kaagad... rock on chong!
ReplyDeleteyey!ang galing!
ReplyDeletenext!